Obet Rivera

Tattoo


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Hindi pa rin kita nalilimutan
Isang taon na mula nung ikaw ay lumisan
Alaala'y pabalik-balik mga araw ng ating pinagsamahan

Nang dahil sa aking mga kalokohan
Nabalewala ka't aking nasaktan
Pasensya ko'y umabot sa hangganan lumayo ka't akala ko ay okay lang

Ngunit larawan mo'y parang tattoo
Nakadikit sa 'king isipan
Tinig mo'y parang sirang plaka naririnig kahit na saan

Sa awit kong ito
Sana'y umabot sa 'yo
Ang pakiusap ko na sana'y mapagbigyan mo

Maari ba
Bumalik ka na
Pinapangako ko
Taas kamay pati paa
Hindi ka na muling paluluhain pa

Naalala ko pa nung ikaw ay lumisan
Huling sulyap sa mga matang nasaktan
Luha'y pumatak sa iyong pulang labi na hinahanap-hanap ko ngayong mahagkan

Dahil larawan mo'y parang tattoo
Nakadikit sa 'king isipan
Tinig mo'y parang sirang plaka naririnig kahit na saan

Maari ba
Bumalik ka na
Pinapangako ko
Taas kamay pati paa
Hindi ka na muling paluluhain pa

Larawan mo'y parang tattoo
Nakadikit sa 'king isipan
Tinig mo'y parang sirang plaka naririnig kahit na saan

Maari ba
Bumalik ka na
Pinapangako ko taas kamay pati paa
Ako lahat maglalampaso magluluto at maglalaba
At di ka na muling paluluhain pa
Hindi ka na muling paluluhain pa