
Tayo Sa Panaginip
Kung may kahilingan sa akin ay ibibigay
Ang gusto ko lang naman ay makasama ka sa buhay
Hindi man ngayon
Ako ay handang maghintay
Mamahalin kita habang ako ay nabubuhay
Sana naman ay pagbigyan
Kahit man lang sa aking isipan
At sa mundo ng kawalan
Sa aking pantasya ikaw lang ang makakasama
Kung sa aking pagtulog at ako'y mananaginip
Ikaw sana ang prinsesa na bihag at ako ang sasagip
Tanging pag-ibig at halik ko lamang ang gigising
Mula sa sumpa ng mahabang pagkakahimbing
Sana naman ay pagbigyan
Kahit man lang sa aking isipan
At sa mundo ng kawalan (ng kawalan)
Sa aking pantasya ikaw lang ang makakasama
Dinig ko na ang ingay ng orasan
Tanda ng aking paglisan
Haharapin ko na ang kasalukuyan
Malayo sa katotohanan
Sana naman ay pagbigyan
Kahit man lang sa aking isipan
At sa mundo ng kawalan
Sa aking pantasya ikaw lang ang makakasama
Kahit man lang sa aking isipan
At sa mundo ng kawalan (at sa mundo ng kawalan)
Sa aking pantasya ikaw lang ang makakasama
Sa aking pantasya ikaw lang ang makakasama
Sa aking pantasya ikaw lang ang makakasama