Teacher Cleo & Kids

Tayo'y Mag-Ehersisyo


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Simulan ang gawain ng buong sigla
Kung kaya't ang katawan ay ihanda na
Tayo'y mag ehersisyo ulo hanggang paa
Isa dalawa tatlo tayo'y mag-umpisa

Dahan-dahan ang ulo ay iikot
Iikot dahan-dahan ang ulo mong bilog
Ang balikat iikot sa iyong harap
Bumilang ng hanggang walo ulit-ulitin mo

Ang ating bewang iikot at hawakan
Iikot ng iikot katawan ay lulusog
Maglakad ka gamit ang iyong paa
Lumakad ng marahan kaliwa at kanan

Tumakbo tumakbo tayo ay tumakbo
Tumalon tumalon tayo ay tumalon
Tumakbo tumakbo tayo ay tumakbo
Tumalon tumalon tayo ay tumalon

Maglakad ka gamit ang iyong paa
Lumakad ng marahan pakaliwa at kanan
Ang kamay sa bewang ilagay
Huminga tayo ng sabay-sabay