
Tulad Ng Sapa At Buwan
Pag ang buwan ay nakita
Ay aking naiisip
Yaong sapang naging saksi
Ng ating pag-ibig
Hating gabi noon tayo'y magkaulayaw
Sa may sapa
Kita ay naglalambingan
Sa liwanag nitong buwan kita ay nagsumpaan
Habang ang luha mo sa sapa'y nagdaluyan
Parang nakita itong pagmamahalan
Ay buwan at sapa na magkakalayo lamang
Sa liwanag nitong buwan kita ay nagsumpaan
Habang ang luha mo sa sapa'y nagdaluyan
Parang nakita itong pagmamahalan
Ay buwan at sapa na magkakalayo lamang