Maldita

Tuliro


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ilang taon na akong naghihintay sa 'yo
Hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa pagbalik mo
Di mapakali at tila wala sa sarili
Anong nangyayari sa akin
Ba't di kita kayang limutin
Ikaw ay minamahal pa rin hanggang ngayon

Tanda ko pa ang sinabi mo sa akin
Di mo sasaktan aking damdamin
At sabi mo kahit kailan hindi ka lalayo

Tuliro sa paglisan mo
Nangungulila sa yakap mo
Kakayanin gagawin ko ang lahat upang makita ka lang
At mahawakan

Makakalimutan ba kita kung ako ay iibig sa iba
Kakayanin ko bang makita ka sa piling ng iba
Saan ka matatagpuan
Hanggang kailan maghihintay
Bumalik ka na sa 'kin lahat ay ayos na

Tanda ko pa ang sinabi mo sa akin
Di mo sasaktan aking damdamin
At sabi mo kahit kailan hindi ka lalayo

Tuliro sa paglisan mo
Nangungulila sa yakap mo
Kakayanin gagawin ko ang lahat upang makita ka lang

Ooh ooh

Tuliro sa paglisan mo
Nangungulila sa yakap mo
Tuliro sa paglisan mo
Nangungulila sa yakap mo
Kakayanin gagawin kakayanin gagawin kakayanin gagawin
Ko ang lahat upang makita ka lang
At mahawakan