
Ulan
Hiwaga ng panahon
Akbay ng ambon
Sa piyesta ng dahon
Ako' y sumilong
Daan-daang larawan ang nagdaraan sa aking paningin
Daan-daang nakaraan ibinabalik ng simoy ng hangin
Tatawa na lamang at ba't hihikbi
Ang aking damdamin pinaglalaruan ng baliw at ng ulan
At sinong di mapapasayaw ng ulan
At sinong di mababaliw sa ulan
Hinulog ng langit (hinulog ng langit)
Na siyang nag-ampon
Libu-libong alaalang
Dala ng ambon
Daan-daang larawan ang nagdaraan sa aking paningin
Daan-daang nakaraan ibinabalik ng simoy ng hangin
Tatawa na lamang o bakit hindi
Ang aking damdamin pinaglalaruan ng baliw at ng ulan
At sinong di mapapasayaw ng ulan
At sinong di mababaliw sa ulan
Tatawa na lamang o bakit hindi
Ang aking damdamin pinaglalaruan ng baliw at ng ulan
At sinong di mapapasayaw sa ulan
At sinong di mababaliw sa ulan
At sinong di aawit kapag umulan
At sinong di mababaliw sa ulan (oh)
At sinong di mapapasayaw sa ulan
Sinong di mababaliw sa ulan
Ulan ulan (ulan)
Sa ulan ohoh