Ruben Tagalog

Umaga Na Neneng


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Umaga na neneng tulog ka pa
Namamanaag na ang sikat ng araw sa umaga
Kung ikaw man ay hapo sa mga dusang nadama
Gising na't masdan ang ngiti ng pag-asa

Kay lungkot isipin ang araw ng ligaya
Kay pait wariin yaong lumipas na
Kung may luha ka man huwag malungkot sinta
Babalik din balang-araw ang ginhawa

Umaga na neneng halika na
Di ba ako'y karamay mo sa hirap man o ginhawa
Sa maghapong ito kung mahimbing ka pa
Sa aking buhay wala nang umaga

Kay lungkot isipin ang araw ng ligaya
Kay pait wariin yaong lumipas na
Kung may luha ka man huwag malungkot sinta
Babalik din balang-araw ang ginhawa

Umaga na neneng halika na
Di ba ako'y karamay mo sa hirap man o ginhawa
Sa maghapong ito kung mahimbing ka pa
Sa aking buhay wala nang umaga