Ruben Tagalog

Umaga na pala


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Umaga na pala giliw di ko napapansin
Naglaho na ang tala at bituing nagniningning
Lumiliwanag na ngunit yaring pag-giliw
Ay di mo dinulutan ng kahit munting aliw
Kahit ang buwan sa pagdaing ko'y lumuluha
Ikaw pa kaya mutya ang di maaawa

Umaga na pala giliw bakit di ka manungaw
Ang bagting ng kudyapi ibig nang malagot
Katulad din ng buhay kong pumapanaw
Dahan-dahan nang napawi ang dilim
At ang araw ay ibig nang magningning
Di mo pa pinapansin ang pagdaing
Umaga na pala giliw

Dahan-dahan nang napawi ang dilim
At ang araw ay ibig nang magningning
Di mo pa pinapansin ang pagdaing
Umaga na pala giliw
Umaga na pala giliw