Bone Pagligaran

Umayos Ka


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Wala kang mapapala sa pagmumukmok
Hindi yan ang sagot sa problema mo
Lumaban ka tanggapin mo lang
Ang lahat ng hamon sa buhay mo

Hay yeah

Sayang ang luha sa pagkain mo
Kumalat na ito sa pag-iiyak mo
Sayang ang oras kong naubos mo
Paulit-ulit lang ang drama mo

Problema na naman ang laman ng isip mo
Hindi na ba mauubos yan
Ang dapat mong gawin
Ay huwag mo nang ito'y damdamin

Wala kang magagawa sa pagmumukmok
Hindi yan ang sagot sa problema mo
Lumaban ka tanggapin mo lang
Ang lahat ng hamon sa buhay mo

Sumulat ka kaya kay Ate Charo
Siguradong siya ay may sagot sayo
Lahat na lang kasi pinoproblema mo
Hindi ikaw ang nasa gitna ng mundo

Tuloy ang ikot ng buhay
Bumangon ka't harapin ito
Hindi mo man hawak ang bukas
Pwede mo namang hubugin 'to

Wala kang magagawa sa pagmumukmok
Hindi yan ang sagot sa problema mo
Lumaban ka tanggapin mo lang
Ang lahat ng hamon sa buhay mo

May bukas pa may pag-asa pa
Huwag mong isuko't maaayos yan
May bukas pa may pag-asa pa
Huwag kang sumuko maayos yan

Umayos ka aayos yan
Huwag kang sumuko umayos ka
Umayos ka aayos yan
Huwag kang sumuko umayos ka
Umayos ka aayos yan
Huwag kang sumuko umayos ka
Umayos ka umayos ka
Huwag kang sumuko umayos ka