Mike Hanopol

Upos Na Lang


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

May ibig sabihin ang bawat tula
May ibig sabihin ang bawat aklat

Marami kang makikita
Sa gitna ng bawat linya
Marami kang makikita
Sa aking aawitin

May mensahe ang bawat salita ng tao
May ibig sabihin lahat ng bagay sa mundo

Ito ang aking nararamdaman
Parang dagat parang ulan
Di mo ba napapansin ikaw ay tinatalaban

Maraming nalulungkot sa buhay
Marami na ring nagpapakamatay
Bakit ba natin sasayangin
Kahit pa ika'y maging upos na lang
Upos na lang

May ibig din naman sabihin
Ang tunog ng gitara ko
Sana'y nakuha mo at nang malinawan mo

Maraming nalulungkot sa buhay
Marami na ring nagpapakamatay
Bakit ba natin sasayangin
Kahit pa ika'y maging upos na lang
Upos na lang

May mensahe ang bawat salita ng tao
May ibig sabihin lahat ng bagay sa mundo
Kahit pa ika'y maging upos na lang
Kahit pa ika'y maging upos na lang
Kahit pa ika'y maging upos na lang
Kahit pa ika'y maging upos na lang
Kahit pa ika'y maging upos