
Wakasan
Hindi man ikaw at ako
Sa kabanatang lagi akong talo
Kayo ang bida ako ang kontrabida
Sa kuwentong lagi na lang akong umaasa
Mananalangin sa may-akda
Baka sakaling may magawa
Ang kapalarang ikaw ako
Sana nama'y tadhana
Maghihintay pa rin itong puso ko
Mag-aabang hanggang maging tayo
Sakali mang hindi pa pagkakataon
Baka bukas na ang tamang panahon
Maghihintay ako hanggang sa wakas
Di man ikaw at ako
Sa mga kuwentong wala sa kuwadro
Sa mga istoryang bitin at alanganin
Na mga nobela komiks at magazine
Mananalangin sa may-akda
Baka sakaling pagbigyan
Ang kuwentong ikaw ako naman
Ang abangan tutunghayan
Maghihintay pa rin itong puso ko
Mag-aabang hanggang maging tayo
Sakali mang hindi pa pagkakataon
Baka bukas na ang tamang panahon
Maghihintay ako hanggang
Sa dulo ay lalaban
Walang alinlangan
Patuloy lang ako
Kahit na maubusan
Di papatalo
Makuha lang ang gusto ko oh
La la la
Maghihintay pa rin itong puso ko
Mag-aabang hanggang maging tayo
Sakali mang hindi pa pagkakataon
Baka bukas na ang tamang panahon
Maghihintay ako
Maghihintay ako
Maghihintay ako
Sa wakas