Sponge Cola

Wala Kang Katulad


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Tanging ikaw lang ang minamasdan ko
Nakatuon buong pansin ko
Sa bawat galaw
Sa bawat paglipat

Marahil minsan ika'y nasisilaw rin
Kibit-balikat bawat ningning
Wala kang sablay
Magbago mang kulay

Nakahihigit man ang ilan
Ikaw lang ang aking inaasam
Wala na akong iba pang kailangan
Wala kang katulad

Bago pa man tuluyan na magdilim
Igawad kahit konting pansin
Punan ang patlang
Sa ating pagitan

Nakahihigit man ang ilan
Ikaw lang ang aking inaasam
Wala na akong iba pang kailangan
Wala kang katulad

Wala kang katulad
Wala kang katulad

Nakabinbin sa 'yong pagtitig
Pangako ng nakalaang pag-ibig
Asahan mong ako'y maghihintay

Nakahihigit man ang ilan
Ikaw lang ang aking inaasam
Wala na akong iba pang kailangan
Wala kang katulad

Nakahihigit (nakahihigit)
Man ang ilan (man ang ilan)
Ikaw lang ang aking (ikaw lang ang aking)
Inaasam (inaasam)
Wala na akong (wala na akong)
Iba pang kailangan (iba pang kailangan)
Wala kang katulad (wala)