AfterImage

Walang Hanggan


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Aanhin ko pa ang lahat ng bukas
Na darating sa buhay ko
Kung hindi ikaw ang makakasama
Sa pag-ikot ng mundo
Mawawalan ng saysay ang bawat bukas
Kung pagsuyo'y magwawakas

Walang hanggan ako'y sayo
Maging ang buhay kong ito
Sayo lamang ilalaan
Walang hanggan

Aanhin ko pa ang lahat ng yaman
Na dadaan sa palad ko
Kung hindi ikaw ang makakahati
Sa bawat makakamtan ko
Dinggin mo ang aking pagsamo
Narito ako'y nangangako

Walang hanggan ako'y sayo
Maging ang buhay kong ito
Sayo lamang ilalaan
Walang hanggan

Bawat bukas (bawat bukas)
Ng aking buhay (ng aking buhay)
Ay ibibigay sa 'yo (ibibigay sa 'yo)
Bawa't oras (bawat oras)
Ng bawa't araw (ng bawat araw)
Bawat ikot ng mundo (ng mundo)

Walang hanggan ako'y sayo
Maging ang buhay kong ito
Sayo lamang ilalaan
Walang hanggan

Walang hanggan ako'y sa 'yo
Maging ang buhay kong ito
Sa 'yo lamang ilalaan
Walang hanggan (walang hanggan)
Walang hanggan (walang hanggan)
Walang hanggan (walang hanggan)