Raul R. Lantican

Walang Hanggang Pagmamahal

Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Wala akong ibang hiling kung di makasama ka
Sa bawat araw ng aking buhay
Ikaw lang ang pangarap ko ligaya ng puso
Kayamanang di magbabago higit pa sa ginto

Tulad mo ay awit nakaukit sa aking dibdib
Himig na sa isip ko'y di nawawaglit

Ikaw tanging ikaw ang mamahalin
Ikaw walang iba akong iibigin
Sa Maykapal sa tuwina ang aking hinihiling
Ikaw ikaw at ako ang lagi nang magkapiling

Ikaw tanging ikaw ang mamahalin
Ikaw walang iba akong susuyuin
Ngayon at kailan man ang nais ko ay ikaw
Ikaw lamang ang aking kailangan

Ikaw lamang ikaw lamang ikaw lamang ang aking kailangan

Canciones más vistas de