Kamehameha

Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Teka, ba't nandito ka? Sabi ko, "Ayoko na"
'Lang beses mo na 'kong nauto
Kilos ay 'di na akma, sa'yong pananalita
Palaisipan nakakalito
'Di raw mauulit pero ba't inulit-ulit pa?
'Di raw maakit, ba't panay lingon mo sa iba?
'Wag munang lalapit sa'kin at baka sumabog na
Utak ko'y utang-uta na, kakasawa ka

Dami-dami mong sinabi
'La namang nangyari, paluhod-luhod ka pa
'Kala mo, 'di mahuhuli
Parang inosente ka pa kung umasta
'Di mo na 'ko madadali
'Di mo masisisi kahit na saang banda
Lumayo-layo ka nga, kamehamehameha

Sige, magloko ka pa, 'kala mo 'di halata
Kakaiinis puro palusot
'Di raw mauulit pero ba't inulit-ulit pa?
'Di raw maakit, ba't panay lingon mo sa iba?
'Wag munang lalapit sa'kin at baka sumabog na
Utak ko'y utang-uta na, kakasawa na

Dami-dami mong sinabi
'La namang nangyari, paluhod-luhod ka pa
'Kala mo, 'di mahuhuli
Parang inosente ka pa kung umasta
'Di mo na 'ko madadali
'Di mo masisisi kahit na saang banda
Lumayo-layo ka nga, kamehamehame

Sinungaling ka