Tumatalima


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Abakada, hawi mo sa mala-sutla mong buhok
Ako'y napaparalisado, puso'y sinisinok
panay laktaw ang tibok
Linya ma'y aking praktisado, biglang nababarok
A-e-i-o-u, nauutal ako paano kita lalapitan
Na-ne-ni-no-nu, nahihiya sa'yo hanggang kailan panghihinaan

Bawat piraso ng ako
Tumatalima sa iyo
'Wag mo akong tinutukso
Ikaw palagi ang gusto

Itanggi mang 'di ko sadya, marahan kong pag-usog
Pagkasabik ay 'di maitago, papalapit sa'yo
A-e-i-o-u, nauutal ako, nakakalunod kang titigan
La-le-li-lo-lu, malalim na ito, kailangan na kitang sabihan

Bawat piraso ng ako
Tumatalima sa iyo
'Wag mo akong tinutukso
Ikaw palagi ang gusto

Abakada, pulgadang mapalapit sa'yo
Abakada, pulgadang mapalapit sa'yo
Abakada, pulgadang mapalapit sa'yo
Abakada, pulgadang mapalapit sa'yo

Bawat piraso ng ako
Tumatalima sa iyo ('Di mo ba kita?)
'Wag mo akong tinutukso (Kakapanghina)
Ikaw palagi ang gusto (Sinusundan ang)
Bawat piraso ng ako (Nahahalina)
Tumatalima sa iyo ('Di mo ba kita?)
'Wag mo akong tinutukso (Kakapanghina)
Ikaw palagi ang gusto

Abakada, hawi mo sa mala-sutla mong buhok