Tanging Ikaw


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Dumating nang tinadhanang
Pinakamahalagang
Panahon sa pagsasama
'Di ka na mag-iisa

Hawakan, dahan-dahan
Ang gabi ay painitin
Mala-diyosang kagandahang aalayan ng halik

Tanging ikaw ang katabi
Sa bawat araw at gabi
Tanging ikaw ang nagsilbing
Pagdinig sa 'king panalangin
Mula ngayon ang labi'y sa 'yo lamang dadampi
Pangakong ikaw
Tanging ikaw

Tinatablan sa tinginang
Makapigil-hininga
Pinupunan pagkukulang
Walang nanaisin pa

Hawakan, dahan-dahan
Ang gabi ay painitin
Mala-diyosang kagandahang aalayan ng halik

Tanging ikaw ang katabi
Sa bawat araw at gabi
Tanging ikaw ang nagsilbing
Pagdinig sa 'king panalangin
Mula ngayon ang labi'y sa 'yo lamang dadampi
Pangakong ikaw
Tanging ikaw, ooh

Tanging ikaw ang katabi
Sa bawat araw at gabi
Tanging ikaw ang nagsilbing
Pagdinig sa 'king panalangin
Mula ngayon ang labi'y sa 'yo lamang dadampi
Pangakong ikaw
Tanging ikaw, ooh