Daanan


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Gusto kitang makasanayan
Dahan-dahang aralin
Sana'y ating kinabukasan
Ay sinulat sa bituin

Hinawakan mo 'ko't tinanggap
'Di na kailangang magpanggap
Nakilala ko sarili ko sa 'yong mga mata

'Di ko pa alam
Ang naramdaman
Gabayan mo lang kamay ko
Hangga't maging sigurado
Ikaw ang tanging daanan
At ikaw lang ang pupuntahan
Ooh, ooh, aah, aah, aah

Dahan-dahang lalapitan
'Gang mawala na ang pagitan
Parang nakayapak sa ulap
Pakiramdam ko'y lumulutang
Handa nang magtiwala

Hinawakan mo 'ko't tinanggap
'Di na kailangang magpanggap
Nakilala ko sarili ko sa 'yong mga mata

'Di ko pa alam
Ang naramdaman
Gabayan mo lang kamay ko
Hangga't maging sigurado
Ikaw ang tanging daanan
At ikaw lang ang pupuntahan

Unti-unting pinapatahak mo ako
Oh, sa mga daang 'di ko pa kabisado
Pero ngayo'y naniniwala
'Di na maguguluhan
Sa iyong mga mata
Nakikita ko lahat

'Di ko pa alam
Ang naramdaman
Gabayan mo lang kamay ko
Hangga't maging sigurado
Ikaw ang tanging daanan
At ikaw lang ang pupuntahan

Canciones más vistas de

Jolianne en Septiembre

  • En USA
  •     Datos no disponibles
  • En el Mundo
  •     Datos no disponibles