Walang Hiyang Pare Ko
Wag mong sabihing na naman
In love ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan
Wag na nating idaan sa ma-boteng usapan
Lalo lang madadagdagan
Ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan
Anong sarap kami'y naging magkaibigan
Napuno ako ng pag-asa
Yun pala haggang dun lang ang kaya
Akala ko ay pwede pa
Masakit mang isipin kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso saka ka niya gagaguhin
O Diyos ko ano ba naman ito
Di ba tang hiya nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Letseng pag-ibig to
Diyos ko ano ba naman ito wooh
Sabi niya ayaw niya munang magkasyota
Dehins ako naniwala
Di nagtagal naging ganun na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot niya
Ba't ba ang labo niya di ko maipinta
Hanggang kelan maghihintay ako ay naiinis na
Pero minamahal ko siya
Di biro TL ako sa kanya
Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo
O pare ko meron ka bang maipapayo (o pare ko)
Kung wala ay okey lang (kung wala ay okey lang)
Kailangan lang ay ang iyong pakikiramay (kailangan lang ay ang iyong pakikiramay)
Andito ka ay ayos na (andito ka ay ayos na)
Masakit mang isipin kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso saka ka niya gagaguhin
O Diyos ko ano ba naman ito
Di ba lang hiya nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Letseng pag-ibig to
Diyos ko ano ba naman ito
Di ba lang hiya nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Letseng pag-ibig to
Diyos ko ano ba naman ito wooh oh