Aking Bituin (My Star)


O ilaw
Sa gabing malamig
Wangis mo'y
Bituin sa langit

O tanglaw
Sa gabing tahimik
Larawan mo Neneng
Nagbigay pasakit oh

O ilaw
Sa gabing malamig
Wangis mo'y
Bituin sa langit

O tanglaw
Sa gabing tahimik
Larawan mo Neneng
Nagbigay pasakit oh

Gising at magbangon
Sa pagkagupiling
Sa pagkakatulog
Na lubhang mahimbing

Buksan ang bintana
At ako'y dungawin
Nang mapagtanto mo
Ang tunay kong pagdaing

Gising at magbangon
Sa pagkagupiling
Sa pagkakatulog
Na lubhang mahimbing

Buksan ang bintana
At ako'y dungawin
Nang mapagtanto mo
Ang tunay kong pagdaing

Canciones más vistas de

Luz Morales en Mayo