Alay Ko


Dilim na tila’y ‘di lilipas
Parang humihinto ang oras
At nariyan na naman
Ang sakit ‘di maiwasan

Pilit ko mang kalimutan
Sa anino ay sunod-sunuran
O hanggang kailan
Alipin sa nakaraan

Ngunit nang ika’y aking tanggapin
Ako’y tuluyan mong naangkin

Panginoon naririto
Wagas na pag-ibig ang alay ko ‘di magmamaliw hanggang wakas
Ang aking pagsuyo ay 'di na ‘di na lilipas

Sa iyo ngayon ay umaasa
Ang lagi kong inaalala
Pangako mong tapat
Sa langit nakasulat

Ang samo at pinapangarap
Manatili sa iyong paglingap
Hanggang walang hanggan at magpakailanman

Ama kamay ko’y abutin
Nang tahanan mo’y aking marating

Panginoon naririto
Wagas na pag-ibig ang alay ko ‘di magmamaliw hanggang wakas
Ang aking pagsuyo ay 'di na ‘di na lilipas

Bulong ng puso’y dinggin
At tibok nito ay iyong damhin
Ang laging sinisigaw
Papuri na umaapaw

Panginoon naririto
Wagas na pag-ibig ang alay ko ‘di magmamaliw hanggang wakas
Ang aking pagsuyo ay 'di na ‘di na lilipas

Panginoon naririto
Wagas na pag-ibig ang alay ko ‘di magmamaliw hanggang wakas (oh)
Ang aking pagsuyo ay 'di na ‘di na lilipas
O Ama ko ito ang alay ko