Ang Ganda Mo Ay Langit
Di di mo ba nalalaman
Ikaw ang aking minamahal
Di ka maaaring pantayan
Sa wari ko'y ikaw ang ligaya kong tunay
Ang ganda mo ay langit ng wagas na pag-ibig
Ang lambing mo'y panglunas sa pusong laging may hapis
Ang mata mo ay ilaw sa landas niyaring buhay
Ang ngiti mo'y aliw sa puso ko hirang
Ang ngiti mo'y aliw sa puso ko hirang
Ang ganda mo ay langit ko hirang