Ang Iyong Liham


Tuwing tutunghan ko
Ang sulat mo irog
Kagalaka'y di matapos
May sumpa ng pagsuyo
Na galing sa iyong puso

Ang bawat talata
Dulot ay tuwa
Ang dati kong pagluha
Nagmaliw at biglang nawala

Kahit sulat lang
Aking nahahagkan
Tanda na di mapaparam
Ang aking pagsuyong tunay
Bilang pag-ganti
Sa pagmamahal
Na aking nadarama
Sa iyong liham

Canciones más vistas de

Carmen Camacho en Agosto