Anino


Pagod na ang mga labi kahit wala pang sinasabi
Puro minsan na lang nakapako sa aking isipan
Tahan na umiiyak ka na naman
Hindi ba't ikaw din ang papahid ng luhang yan

Hindi ka ba naiinis sa tuwing ika'y sinisisi
Nakamtan ang kalayaan ko sa'yo
Habang mayroon pang nalalabing lakas nais kong malaman mo

Heto ako sumpang hindi na uulit pa
Heto ako handang-handang iwanan ka
Heto ako mamumuhay ng mag-isa
Heto ako ba't nariyan ka pa

Ipagpaumanhin mo sana ang takbo ng isipan kong ito
Sadyang ganyan lang tal'ga wala sa katwiran
Tama na tapos na ang nakaraan
Hindi na ito nararapat gawan ng paraan

Hindi ka ba nag-sasawa sa tuwing ika'y natititig sa sarili
Ngunit ako ngayo'y muling magbabalik
Dahil lamang sa nag-iisang saglit na silayan kang muli

Heto ako nakatayo sa iyong harapan
Heto ako handa na atang masaktan
Heto ako 'di na mag-papapigil pa
Heto ako nariyan ka pa ba

Heto ako dahil sa iyo'y gulong-gulo
Heto ako sana'y paniwalaan mo
Heto ako umaawit litong-lito
Heto ako unawain mo