Ano Ang Gagawin Kapag Wala Ka Na


Ano ang dahilan bakit nagbago ka
Pag-ibig mo ngayon ay di na madama
Nalulungkot ako nagpapaalam ka
Dahil may mahal ka nang iba

Ano ang gagawin kapag wala ka na
Nasanay na ako na lagi nang kapiling ka
Ang buhay ko pala ay wala nang halaga
Kung iiwanan mong nag-iisa

Ano ang gagawin kapag wala ka na
Papanong puso kong ayaw umibig sa iba
Aasa lang kaya habang may hininga
Baka sakaling magbalik ka pa

Bago ka umalis ako'y turuan mong
Malimot kang ganap mabuhay nang bigo
Huwag nang pagtanong lumabis ba ako
Sa pagbibigay sa gusto mo

Ano ang gagawin kapag wala ka na
Nasanay na ako na lagi nang kapiling ka
Ang buhay ko pala ay wala nang halaga
Kung iiwanan mong nag-iisa

Ano ang gagawin kapag wala ka na
Papanong puso kong ayaw umibig sa iba
Aasa lang kaya habang may hininga
Baka sakaling magbalik ka pa

Ano ang gagawin kapag wala ka na
Papanong puso kong ayaw umibig sa iba