Araw Oras Tagpuan


Oras na lumipas
Hindi namalayan
Ang layo na ng kahapon
Taon na nga ba o buwan

Bigat ng bawat araw
Dahan-dahang nawala
Gaan ng bawat bukas
Kinasasabikan

Mahirap magtiwala
Tapos ng lahat
Ng pinagdaanan natin
Sa piling ng iba

Di makapaniwala
Na pwede pa palang
Magkahanapan
Mga pusong sugatan

Imposible nga raw
Minsan lang nagtugma
Buwan bituin at araw
Tila ipininta

Ang ating tadhana
Para bang tinakda
Araw oras tagpuan
Alam na nating dalwa

Mahirap magtiwala
Tapos ng lahat
Ng pinagdaanan natin
Sa piling ng iba

Di makapaniwala (di makapaniwala)
Na pwede pa palang
Magkahanapan
Mga pusong sugatan

Woah

Mahirap magtiwala
Tapos ng lahat
Ng pinagdaanan natin
Sa piling ng iba

Di makapaniwala
Ang swerte ko pala
Ng magkahanapan
Mga pusong sugatan

Mga pusong sugatan
Mga pusong sugatan