Awit Ng Mga Awit


Kay rami kong naririnig mga tinig sa aking paligid
Maging sa loob ng aking dibdib kay ingay 'di matahimik

Ang awit ng mga awit
Mithiin ng pusong nananabik
Masumpungan ang tunay na pag-ibig
Na ngayo'y kay ilap sa aking daigdig

Ngunit dumating ka at handog mo
Matamis na himig ng pagsuyo
Tapat at wagas na pangako
Tanging pag-asa ng buhay ko

Ang awit ng mga awit
Ang pinakadakilang awit
Ito ang himig ng 'yong pag-ibig sa puso kong nananabik

Ang himig mo'y kay sarap pakinggan
Ang salita mo'y aking panghahawakan
Ang dala mo'y tunay na kaligayahan
Ang pag-ibig mo'y walang hanggan walang hanggan

Ang awit ng mga awit
Mithiin ng pusong nananabik
Masumpungan ang tunay na pag-ibig
Na ngayo'y kay ilap sa aking daigdig

Ang awit ng mga awit
Ang pinakadakilang awit
Ito ang himig ng 'yong pag-ibig sa puso kong nananabik
Ito ang himig ng 'yong pag-ibig sa puso kong nananabik

Sa puso kong nananabik