Awiting Sariling Atin


Dahil sa pagsisikap
Nakamtan ko ang aking pangarap
Kahit ako'y naghirap
Ligaya naman ay abot ulap

Isang kayod isang tuka ang tingin sa akin
Ngunit ako'y mayaman sa mga awitin
Awiting ginawa para sa ating bansa
Awiting sariling atin

Sana'y mapakinggan nitong ating bayan
Mga sanggol ito ang magisnan

Tayo ang puhunan
Nitong ating mga kabataan
Dapat tangkilikin
Ang awiting gawa dito sa atin

Isang kayod isang tuka ang bayan natin
Ngunit tayo'y mayaman sa mga awitin
Awiting ginawa para sa ating bansa
Awiting sariling atin

Sana'y mapakinggan nitong ating bayan
Mga sanggol ito ang magisnan