Ayt
Imulat mo ang 'yong mga mata
Gumising ka't nandito na'ng umaga
Bago ka maiwa't tuluyang makalimutan
Konting bilis kami ay naghihintay
Bumangon na't lisanin ang 'yong kama
Napawi na'ng dilim
Tapos na'ng pananaginip
Manalig ka't buksan ang iyong isipan
Lahat ay makakamit
Paliparin ang 'yong mithiin
Umawit ka kasabay ng musika
Simulan ang buhay
Kumilos na't lumabas mula sa lilim
Araw ay umiigting
Damhin ang kanyang init
Amuhin pagbugso ng kapalaran
Malayo pang lalakbayin
May puso lamang papalarin
Pag-asa'y tangan mo sa 'yong kamay
Ang kinabukasa'y abot-tanaw
Lumingon ka sa iyong madaratnan
Dinggin ang 'yong tawag
Imulat mo ang 'yong mga mata
Gumising ka't nandito na'ng umaga
Bago ka maiwa't tuluyang makalimutan
Konting bilis kami ay naghihintay
Bumangon na lisanin ang 'yong kama
Napawi na'ng dilim
Tapos na'ng pananaginip
Umawit ka kasabay ng musika
Simulan ang buhay
Imulat mo ang 'yong mga mata
Gumising ka't nandito na'ng umaga
Bago ka maiwa't tuluyang makalimutan
Konting bilis kami ay naghihintay
Konting bilis kami ay naghihintay
Konting bilis kami ay naghihintay
Konting bilis kami ay naghihintay (ayt)