Babalik Pa Ba


Ikaw isang kahapong di maiwan
Ako sayo'y naging isang salawahan
Ang yakap at halik na noo'y akin lamang
O bakit nga ba sinayang lang

Ikaw dati sa akin ay nagmamahal
Ako na sa pag-ibig mo'y sumaya
Sinaktan kita at ikaw ay nagtampo
O bakit nga ba nagkalayo

Babalik pa ba sa akin
Hiling ko kaya'y iyong dinggin
Ngayon ikaw ay may
Iba ng mahal

Babalik pa ba sa akin
Labi mo kaya'y muling mahahagkan
Ngayong pag-ibig ko'y
Alaala na lamang

Mapipigil pa ba ang panahon
Sa tawag ko ikaw kaya'y lilingon
Kung puso mo'y may patawad pang laan
Mauulit pa ba ang kahapon

Ikaw dati sa akin ay nagmamahal
Ako na sa pag-ibig mo'y sumaya
Sinaktan kita at ikaw ay nagtampo
O bakit nga ba nagkalayo

Babalik pa ba sa akin
Hiling ko kaya'y iyong dinggin
Ngayo't ikaw ay may
Iba ng mahal

Babalik pa ba sa akin
Labi mo kaya'y muling mahahagkan
Ngayong pag-ibig ko'y
Alaala na lamang