Bahaghari


Buti na lang
Hindi nadatnan
At may nasilungan
Na kung anuman

Buti na lang
Akong nadatnan
At ang 'yong kalangita'y
Kumikinang

Sa mga kulay ng bahaghari
Sari-sari
Meron bang natitirang puwang

Para lang makasali at mabighani
Ang tulad kong walang ibang alam
Kundi ambon at ulan
Ambon at ulan
Ambon at ulan

Buti na lang
O kay ganda
Sana naman
Ika'y masaya

Buti na lang
Ok ka na
Hindi na kailangan
Pagdudahan pa

Ang mga kulay ng bahaghari
Sari-sari
Meron bang natitirang puwang

Para lang makasali at mabighani
Ang tulad kong walang ibang alam
Kundi ambon at ulan

Ambon at ulan
Ambon at ulan
Ampon ng ulan

Buti na lang