Bakit Sa 'Yo Pa


Bakit pa tayo'y nagkakilala
Bakit pa ganda mo ay nakita
Bakit ka pa napamahal sa akin
Kung di rin lang kita makakapiling

Sa'yo pa nagising ang damdamin
Sa'yo pa puso ko'y nahaling
Sa'yo na hindi na malaya
Sa'yo pa na bawal mahalin

Tamis ng ngiti mo'y lagi nang hinahanap
Sigaw ng puso'y tanging ikaw
Ngunit hindi dapat at wala akong lakas
Upang ibigin ka hanggang wakas

Sa'yo pa nagising ang damdamin
Sa'yo pa puso ko'y nahaling
Sa'yo na hindi na malaya
Sa'yo pa na bawal mahalin

Sa'yo na hindi na malaya
Sa'yo pa na bawal mahalin