Basta Nariyan Ka

Hainan mo ako ng kahit anong almusal
Kung wala kang tapsilog ayos din ako sa pandesal
At isang tasang kape basta nariyan ka lang

Huwag kang mag-abala sa oras ng tanghalian
Kung walang kare-kare okey na ako sa bagoong
Basta nariyan ka lang sa aking harapan

Sa pagkain akoy hindi pihikan na katulad ng iba
Basta ikaw lang ay kasama ko kahit ano ay puwede na

Bawat sandali ako ay lumiligaya lubos ang saya basta nariyan ka

Huwag mong intindihin sa pagsapit ng hapunan
Kamatis lamang at asin maaari kong mapagtiyagaan
Basta sasabay ka lang ligaya ng tunay

Higit na mas mahalaga sa akin ay ang nakikita ka

Bawat sandali