Bato


Patay malisya ka na naman
Pinanganak ka ba talagang walang pakiramdam
Kahit magbulagbulagan ka man
Di mapapakaila sa 'kin mayroon ka ring nararamdaman
Ano ba talaga ang balak mo
Nais mo bang ako'y tuluyang lumayo
Lumalaki na ba ang ulo mo (ang ulo mo)
Oh bato

Wala na yata ako talagang mapapala sa iyo (oh)
Oh ika'y bato
Mamundok ka na lamang kaya
Sa 'kin wag na lang magpakita
Bato

Narinig mo na ba ang salitang kilig (narinig mo na ba)
Sa ganda mong yan mukhang di mo pa yata naranasang umibig
Hoy naman wag kang ganyan
Ako ngayon ang iyong pinahihirapan
Ano ba talaga ang balak mo
Nais mo bang ako'y tuluyang lumayo
Lumalaki na nga ang ulo mo
Oh bato

Wala na yata ako talagang mapapala sa iyo (oh)
Oh bato
Nang hihinayang ako sa iyo
Pagkat hindi ako laging nandirito
Sampung taon at kalahati
Na akong nag hihintay ng mangyayari
Parang lobong lumipad
Ang pangarap ko'y di na matutupad
Oh bato

Wala na yata ako talagang mapapala sa iyo oh (oh)
Oh ika'y bato
Hanggang dito na lamang ako (hanggang dito na lamang)
Goodluck na lang sa iyo
Bakla ka ba
O sadya lamang bato