Batya't Palupalo
Batya't palupalo
Siyang aliw at pag-asa
Ng mga mahihirap at ng pusong nagdurusa
At iya'y nakababad
Magmula sa umaga
Sa gabi ay wala na maliban sa alaala
Pagsikat ng araw ay muli niyang kaulayaw
Batya't palupalo
Gabay niyaring buhay
Kaya't pag-ingatan
Mahalin habang buhay
Batya't palupalo tangi nating kayamanan
At doo'y nakatago
Ang bakas ng kahapon
Tigib ng ligaya at lipos ng kalungkutan
Batya't palupalo
Siyang aliw at pag-asa
Ng mga mahihirap at ng pusong nagdurusa
At iya'y nakababad
Magmula sa umaga
Sa gabi ay wala na maliban sa alaala
Pagsikat ng araw ay muli niyang kaulayaw
Batya't palupalo
Gabay niyaring buhay
Kaya't pag-ingatan
Mahalin habang buhay
Batya't palupalo tangi nating kayamanan
At doo'y nakatago
Ang bakas ng kahapon
Tigib ng ligaya at lipos ng kalungkutan
Tigib ng ligaya at lipos ng kalungkutan