Binabakas Ko Pa


Buhat ng iwan mo ako
Lumuha ng dahil sa iyo
Hinahanap-hanap man din ang dati mong pag-giliw
Puso ko ay naninimdim
Araw-gabi'y dumaraing
Hinihintay ko giliw
Ang iyong pagdating

Binabakas ko pa ang lumipas nating araw
Nilalandas ko pa ang ating pinagdaanan
Ang puso ko sinta'y tigib ng kalungkutan
Bakit wala ka pa giliw kita'y hinihintay
Nasaan nasaan
Giliw kong mahal sa buhay
Asahan kailan pa man
Ay maghihintay

Ang puso ko'y naninimdim
Araw-gabi'y dumaraing
At kung hindi ka matanaw
Ako'y mamamatay