Buhat
Bawat buhay ay may kasaysayan
Tulad ng pinangyarihan ng tayo'y magtanaw
Takot lamang ay di mo pakinggan
Ngunit ang katotohanan
Kita'y minamahal
Buhat ng kita'y masilayan
Buhat ng mapanaginpan
Laging hinahanap at inaasam
Giliw ay damhin yaring pagmamahal
At magbuhat nang makita ka lamang
Bawat masdan ko'y kariktan
Sulat ay sadyang kaligayahan
Na magbuhat sa iyo buhay nyaring buhay
Sulat ay sadyang kaligayahan
Na magbuhat sa iyo buhay nyaring buhay
Buhat