Bulalakaw


Sa buhay ko ikaw ay nagsabulalakaw
Matapos na mahalin ka'y dagling lumisan
Ang masakit di alam ang kadahilanan
Kung sa iyo'y may nagawa na kasalanan
Kaya ngayon sa gitna ng kapighatian
Nagtatanong kung ikaw ay nahan o hirang
At ibig kong malaman sa iyong kalooban
Kung ako ay iyo bang minamahal

Subalit giliw kay sawing kapalaran
Ng ikaw ay makita'y nasa ibang kandungan
At noon ko lalong napatunayan
Na sa iyo ay wala nang mahihintay
Ay wala nang mahihintay

Mabuti pa ay di mo minahal hirang
Kung dudulutan rin lamang ng kasawian
Di sin sana ang puso ko at kalooban
Walang ligalig at kalungkutan

O irog ko ikaw ay nagsabulalakaw
Sa karimlan ay saglit lamang na sumilay
O ganyan din ikaw dito sa abang buhay
Naglaho kang tulad nitong
Bulalakaw