Caprichosa
May isang dalaga akong nakilala
Sa kanyang ganda ako ay nahalina
Nang ako ay magtapat ay bigla pang nagtawa
Kung wariin ko siya'y babaeng caprichosa
Caprichosa kung ika'y tumatawa
Ang katulad mo'y mabangong sampaguita
May pang-akit ka na bumabalisa
Sa madlang sayo ay sumasamba
Bakit nga ba kung wala ikaw hirang
Ay para na ring nawala yaring buhay
Nais din kita pihikan ka man
Puso ko'y iyo caprichosang paraluman
May isang dalaga akong nakilala
Sa kanyang ganda ako ay nahalina
Nang ako ay magtapat ay bigla pang nagtawa
Kung wariin ko siya'y babaeng caprichosa
Caprichosa kung ika'y tumatawa
Ang katulad mo'y mabangong sampaguita
May pang-akit ka na bumabalisa
Sa madlang sayo ay sumasamba
Bakit nga ba kung wala ikaw hirang
Ay para na ring nawala yaring buhay
Nais din kita pihikan ka man
Puso ko'y iyo caprichosang paraluman
Nais din kita pihikan ka man
Puso ko'y iyo caprichosang paraluman