Cariñosa

Kung pag-uusapa'y pag-ibig ang aking sadyang hahanapin
Ay isang lalaking makisig na may pusong di magtataksil
Makamit ko lamang ang langit hahamakin ko ang hilahil
Dahil sa ako'y cariñosa sa pag-ibig

Ang buhay laging mamamanglaw kung di makakamtam
Ang pagsintang tunay kailan pa man
Ay irog bigyan ng pag-asa
Ang tanging pagsinta ng pusong may dusa

Sisikapin ko sa pag-ibig na maging isang cariñosa
Nang matupad ang panaginip ng pusong sabik at may sigla
Tamuhin mo lang ang pangarap titiisin ko ang ligalig