Coda
Sayang giliw ito ang sinapit
Akin lamang napag-alaman
Wala ang tindi ng poot at 'yong galit
Kung wala ring mababalikan
Bakit hindi kita mapigil
At magawang kita'y habulin
Hindi makakibo't
Paa'y kapwa aking
Di magalaw
Hanggang tingin na lamang ang akin
Hanggang maglaho sa abot tanaw
Hidwaan nati'y mananatili
Sayo ba'y merong katuturan
Di na batid na tatalikdan
Ang hinagap nating sumpaan
Hahantong din pala ang lahat
Sa kabiguan
Oh
Bakit hindi kita mapigil
At magawang kita'y habulin
Hindi makakibot
Paa'y kapwa aking
Di magalaw
Bakit hindi kita masisi
Pagiging tama o mali anong silbi
Kung tayo rin (kung tayo rin)
Mawawaglit (mawawaglit)
Anong saysay
Kung tayo rin mawawaglit
Anong saysay