D'yos Lamang Ang Nakakaalam


Ang buhay tulad ng isang awit lamang
Mayrong simula at may katapusan
Ang araw at gabi lumulungkot hirang
Sa mga suliraning pinaglalabanan

Ang aking pagkukunwari sa buhay
Pagbabalat-kayo sa katotohanan
Ano man ang aking maging kapalaran
Tanging D'yos lamang ang nakakaalam

Ang araw at gabi lumulungkot hirang
Sa mga suliraning pinaglalabanan
Ang aking pagkukunwari sa buhay
Pagbabalat-kayo sa katotohanan
Ano man ang aking maging kapalaran
Tanging D'yos lamang ang nakakaalam