Dahil Sa Minamahal Kita
Dahil sa minamahal kita ng tunay
Ako'y laging nakalaan
Kahit na anong panganib pa sa buhay
Ay tinitiis ko makita ka lang
Kahit nakaw na saglit ng iyong pagsuyo
Ay ligaya niyaring puso
Kung wariin ko buhay ko'y maglalaho
Pag ikaw sa akin ay napalayo
Dahil sa pagsintang di malilimot
Ako'y nakalaang magdusa ng lubos
Alang-alang sa iyo irog
Daragdagan ko ang dalangin sa Diyos
At ngayong alam mo na yaring damdamin
Pakiusap ko ay sundin
Pag-aralan mo sana akong ibigin
At yan ay bilang ganti mo sa akin
Alang-alang sa iyo irog
Daragdagan ko ang dalangin sa Diyos
At ngayong alam mo na yaring damdamin
Pakiusap ko ay sundin
Pag-aralan mo sana akong ibigin
At yan ay bilang ganti mo sa akin