Dakilang San Agustin
Dakilang San Agustin
May pusong maawain
Tanglaw ka na maningning
Bayan namin puso sa iyo'y hain
Kami ay nagdarasal
Buong pusong nananalangin
Pagmamahal mo't pag-ibig
San Agustin nais namin kamtin
Dakilang San Agustin
May pusong maawain
Tanglaw ka na maningning
Bayan namin puso sa iyo'y hain
Kami'y ipagsanggalang
Sa tukso at kasamaan
San Agustin naming mahal
Huwag sana kaming pababayaan