Dalawang Pag-ibig
Dalawang pag-ibig sa aking buhay
Ang di ko malimut-limutan
Pagkat bawat isa ay tapat ang pagmamahal
Ito ang suliranin na di ko malaman
Kapwa sila mahal kong tunay
Di ko matitiis ang isa ay lumuha lamang
Ay anong hirap palang magkaganito
Dalawang pag-ibig ang nasa dibdib mo
O ano kaya ang dapat na gawin ko
Tulungan niyo ako
Ito ang suliranin na di ko malaman
Kapwa sila mahal kong tunay
Di ko matitiis ang isa ay lumuha lamang