Daliri


Daliri sa aking mga kamay
Habang gumagalaw

Titipa sa gitara't papawi ng lumbay
Himig ay kanilang ibibigay

Daliri sa aking mga kamay
May musikang taglay

Kung ako'y umaawit
Sila'y sumasabay
Daliri sa aking mga kamay

Kahit mayroong kukong patay
Kakalabit at sasabay
Himig na galing sa puso'y iaalay

Kahit mayroong kukong patay
Kakalabit at sasabay
Himig na galing sa puso'y iaalay

Kahit mayroong kukong patay
Kakalabit at sasabay
Mga daliri sa aking mga kamay