Dapat Ba


Nalalasap sa iyong mga labi ang damdamin mo ay hindi mai-kubli
Para ka lang napipilitan mga halik mo'y nawala na ang tamis

Dapat bang magsipilyo ako o kayay magmumog ng asin
At itigil ang sigarilyo ng muling sumarap ang halik

Nadarama sa iyong mga kapit damang dama ko ang iyong panlalamig
Para ka lang napipilitan mga yakap mo ay hindi na mahigpit

Dapat ba na maligo ako ang libag ay aking tanggalin
O kaya'y magpalit ng suot ng muli mo akong yapusin

Napupuna sa kilos mo giliw ang iyong paglayo at pag-iwas sa akin
Para ka lang napipilitan labag sa loob na ako ay tagpuin

Dapat bang magtawas na ako o mag-ahit ng kili-kili
At gumamit ng kalamansi ng ika'y magbalik na muli

Dapat bang magsipilyo ako o kaya'y magmumog ng asin
Dapat ba na maligo ako ang libag ay aking tanggalin

Dapat bang magtawas na ako o mag-ahit ng kili-kili
Dapat ba na gawin ko ito ng mapasa-akin kang muli