Di Na Mauulit


Nagkasala ako sinta nang ikaw ay iwanan
Nagsisisi ako pagkat tapat kang magmahal
Ngunit sadyang ganyan yata ang mga kamalian
Di napapansin hangga't di pa nakararaan

Di na mauulit pa
Ang mga kamalian ko
Mahal na mahal kita
Iyan ang siyang totoo

Umasa ka'ng hinding-hindi na kita lilisanin
Di mauulit ang pagluha mo aking giliw

Ah

Di na mauulit pa
Ang mga kamalian ko
Mahal na mahal kita
Iyan ang siyang totoo

Umasa ka'ng hinding-hindi na kita lilisanin
Di mauulit ang pagluha mo aking giliw