Di Na Mauulit


Nagkasala ako sinta ng ika'y iwanan
Nagsisisi ako pagkat tapat kang magmahal
Ngunit sadyang ganyan yata ang mga kamalian
Di nalalaman hangga't di pa nakararaan

Di na mauulit pa
Ang mga kamalian ko
Mahal na mahal kita
Iyan ang siyang totoo

Umasa kang hinding-hindi na kita lilisanin
Di mauulit ang pagluha mo aking giliw

Di na mauulit
Ang kamalian ko
Ang mahal ko'y ikaw
Iyan ang siyang totoo

Umasa kang hinding-hindi na kita lilisanin
Di mauulit ang pagluha mo aking giliw