Di Na Natuto


Nandiyan ka na naman
Tinutukso-tukso ang aking puso
Ilang ulit na bang
Iniiwasan ka di na natuto

Sulyap ng iyong mata
Laging nadarama kahit malayo oh
Nahihirapan na
Lalapit-lapit pa di na natuto

Isang ngiti mo lang
At ako'y napapaamo oh
Yakapin mong minsan
Ay muling magbabalik sa'yo
Na walang kalaban-laban
Ang puso ko'y tanging iyo lamang

O eto na naman
Laging nananabik ang aking puso
Muling magbabalik
Sa 'yong mga halik di na natuto

Isang ngiti mo lang
At ako'y napapaamo oh
Yakapin mong minsan
Ay muling magbabalik sa'yo
Na walang kalaban-laban
Ang puso ko'y tanging iyo lamang

Isang ngiti mo lang
At ako'y napapaamo oh
Yakapin mong minsan
Ay muling magbabalik sa'yo
Na walang kalaban-laban
Ang puso ko'y tanging iyo lamang
Ang puso ko'y tanging iyo lamang